Pfizer, nagsumite na ng data para sa 3rd dose approval sa US
WASHINGTON, United States (AFP) – Nagsumite na ang Pfizer at BioNTech ng paunang clinical data sa US health authorities, upang makakuha ng awtorisasyon para sa 3rd dose ng kanilang COVID-19 vaccine para sa lahat ng Amerikano.
Iprinisinta ng Pfizer-BioNTech ang resulta ng Phase One trial na susukat sa kaligtasan at bisa ng 3rd shot.
Plano ng kompanya na magsumite ng katulad na impormasyon sa European authorities sa mga darating na linggo.
Ayon kay Pfizer Chairman at Chief Executive Officer Albert Bourla . . . “The data we’ve seen to date suggest a 3rd dose of our vaccine elicits antibody levels that significantly exceed those seen after the two-dose primary schedule.”
Noong nakalipas na linggo ay inaprubahan na ng US ang booster shot ng Pfizer-BioNTech at Moderna vaccines para sa mga taong may mahinang immune systems.
Nakatakdang magpulong sa mga huling bahagi ng buwang ito ang isang advisory committee ng Centers for Disease Control and Preventions, upang pag-usapan ang approval ng ikatlong dose ng bakuna para nasa higit 65 anyos ang edad, care home residents at healthcare workers.
Agence France-Presse