Pfizer, susubukin ang third vaccine shot para sa mga wala pang limang taong gulang
Inanunsyo ng Pfizer na nais nilang subukin ang isang third dose ng COVID-19 vaccine sa mga wala pang limang taong gulang, dahil ang mababang dosis na kakayanin ng maliliit na mga bata ay maaaring hindi makapagbigay ng kaparehong proteksyon na tinatamasa ng mas matatandang bata mula sa dalawang shot lamang.
Bilang bahagi ng kanilang ongoing clinical trials, pinili ng pharmaceutical giant ang isang dosage ng tatlong micrograms bawat injection para sa mga batang wala pang limang taong gulang hanggang anim na taon. Ito ay sampung ulit na mas mababa kaysa 30 microgram doses na ibinibigay sa mga adult, at mas mababa kaysa 10 micrograms na ibinibigay naman sa mga edad lima hanggang onse anyos.
Sa mga batang nasa 2-5 age group, ang isang dosage ng 10 micrograms ay nagdulot ng paglalagnat kumpara sa older groups, na nagtulak naman sa kompanya para ibaba ang dosage.
Subali’t kung dalawang injection lamang ng tig-three micrograms, ang immune response nila ay nasumpungang mas mahina kaysa adolescents at young adults na binigyan ng bakuna.
Dahil dito ay nagpasya ang Pfizer na i-modify ang kanilang clinical trials at magkaroon ng isang third dose, na ibibigay nang hindi bababa sa dalawang buwang pagitan makaraang ibigay ang second dose.
Ang dalawang unang bakuna ay mananatiling tatlong linggo ang pagitan.
Sa older population categories, ang booster dose ay nakitang nagpataas sa proteksyon laban sa virus.
Ayon kay Kathrin Jansen, head ng vaccine research ng Pfizer . . . “This adjustment is not anticipated to meaningfully change our expectations that we would file for emergency use authorization and conditional approvals in the second quarter of 2022.”
Inanunsyo rin ng Pfizer na sinimulan na nila ang trials sa 600 teenagers edad 12-17, para subukin ang isang booster dose na kung hindi 10 ay 30 micrograms.
Sa kasalukuyan sa Estados Unidos, bukod sa adults, ang isang booster dose ay pinapayagan lamang para sa adolescents edad 16 at 17.