PH at Lithuania nagkasundo na mas palakasin pa ang bilateral relations at cooperation
Mas paiigtingin ng Pilipinas at Lithuania ang ugnayan at kooperasyon.
Kasunod ito ng pagbisita sa unang pagkakataon sa Pilipinas ng foreign minister mula sa Lithuania na si Gabrielius Landsbergis.
Sa joint statement na nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Landsbergis, sinabi ng dalawang opisyal na napagkasunduan ng mgs ito ang kahalagahan ng pagpapalakas sa pangkalahatang kooperasyon ng dalawang bansa sa trade and investment, clean energy, science and technology at people-to-people links.
Ayon pa kay Manalo, sa unang pagkakataon ay isasagawa ng Pilipinas at Lithuania ang political consultations na gaganapin sa bansa sa Hunyo.
Samantala, lumagda rin ang mga opisyal ng Pilipinas at Lithuania ng Memorandum of Understanding sa Sports cooperation sa football at basketball.
Moira Encina