PH Coast Guard, lalahok na sa “Balikatan Exercises 2024“ sa unang pagkakataon
Sa kauna unahang pagkakataon, sasali na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Balikatan Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na lalahukan din ng iba pang bansa.
Kung dati ay observer lamang sila, ngayon ay magkakaroon na sila ng direktang partisipasyon sa Balikatan.
Ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, tagapagsalita ng coast guard, 6 na barko ang kanilang ipadadala para sa gagawing maritime exercises
“ We are also preparing our special operstion force para sa exercise naman with other countries for special operations, boarding procedures saka law enforcement “ ani Balilo.
Ayon pa kay Balilo, mahalaga para sa kanila ang makalahok sa ganitong aktibidad para makatulong sa pagpapalakas ng skills ng coast guard “ yung interoperability would matter a lot pagdating sa operation with other countries and other arm services at maganda ito para madevelop ang skills namin at makakuha kami ng best practices “.
Ang 2024 Balikatan ay magsisimula sa Abril 22 at tatagal hanggang sa Mayo 10.
Ito na ang pinakamalaking annual joint military exercise na nilalahukan ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno at armed forces ng ibat-ibang bansa.
Nabatid na magsisilbi namang observers ang ilang bansa gaya ng Brunei, Canada, France, Germany, Great Britain, India, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, the Republic of Korea, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Kaugnay naman sa isyu sa West Philippine Sea sa pagsali ng Coast Guard sa Balikatan, paliwanag ng Coastguard Spokesperson “ Were not looking at the exercise as something na may kaugnayan sa WPS, pero siyempre di natin maiwasan mainterpret na baka ganun na nga but as far as we are concerned, interoperatibility sa pagdevelop ng skills ang concern naming “.
Madz Villar-Moratillo