PH Embassy: Walang Pinoy sa Ukrainian regions na isinailalim sa Martial Law
Patuloy na binabantayan ng Philippine Embassy sa Warsaw, Poland at Honorary Consulate General sa Kyiv, Ukraine ang kalagayan ng mga Pilipino na nasa Ukraine.
Ito ay kasunod ng pagsasailalim ni Russian President Vladimir Putin sa martial law sa apat na “annexed” regions sa Ukraine.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot sa 25 ang mga Pilipino na nananatili sa Ukraine.
Karamihan sa mga ito ay naninirahan sa Kyiv at walang Pinoy sa mga rehiyon kung saan idineklara ang Martial Law.
Tiniyak ng DFA na handa ang kagawaran, embahada at honorary consulate general na i-repatriate o pauwiin pabalik ng Pilipinas ang mga Pinoy kung sakaling humingi sila ng tulong.
Aabot sa 450 Pinoy sa Ukraine ang natulungan ng DFA sa unang bahagi ng taon habang 400 ang ni-repatriate sa Pilipinas.
Moira Encina