PHA , nagpasaklolo na sa Senado dahil sa hindi nababayarang reimbursement ng PhilHealth
Nagpasaklolo na ang Philippine Hospital Association sa Senado dahil sa mga hindi nababayarang reimbursement para sa mga pasyenteng na confine dahil sa COVID- 19.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs tungkol sa mga industriyang apektado ng pandemya.
Sinabi ni Dr Jaime Almora, Presidente ng asosasyon na mula pa noong March 2020, hindi pa nagbibigay ng reimbursement ang Philippine health insurance corporation para sa confinement ng mga pasyenteng nagka COVID.
Tanging mga gastusin sa non COVID cases lang aniya ang binabayaran ng philhealth sa mga pribado at pampublikong ospital dahilan kaya hindi sila makapag hire ng mga karagdagang medical workers at apektado pati ang kanilang operasyon.
Wala pang naibigay na kumpletong datos si almora pero may mga ospital na umabot na sa 1. 2 billion ang utang ng PhilHealth habang 50 million ang pinaka mababa.
Kaya ang mga ospital napipilitan na lang raw mangutang sa bangko para lamang makapagsalba pa ng mas maraming nagkakasakit.
Meanne Corvera