Philadelphia 76ers president, pinagmulta ng NBA
LOS ANGELES, United States (AFP) – Pinagmulta ng National Basketball Association (NBA) ng $75,000 ang presidente ng Philadelphia 76ers club, kaugnay ng tweet nito na ayon sa liga ay lumabag sa kanilang anti-tampering rules.
Si Morey ay pinagmulta ng liga matapos niyang mag-tweet ng “join ’em” habang isini-share ang isang social media post mula sa Golden State Warriors star na si Stephen Curry, na pumupuri sa laro ng kaniyang kapatid na si Seth Curry, na nasa koponan ng Philadelphia.
Ang 33-anyos na si Stephen Curry, ay magiging isa nang free agent pagdating ng 2022.
Ang sixers man ay pinagmulta rin ng $75,000.
Sinikap naman ni Morey na klaruhin ang kaniyang tweet sa pagsasabing . . . “My goodness folks, I am talking about the fact that we are all thrilled [Seth Curry] is here with the @sixers – nothing else!”
Si Morey ay may history na ng paggawa ng mga kontrobersiyal na tweet.
Noong 2019, ginalit niya ang Chinese officials dahil sa kaniyang tweet tungkol sa Hong Kong pro-democracy protesters.
Ayon sa ilang Chinese companies, hindi na sila makikipag-negosyo sa NBA dahil sa mga komento ni Morey.
Napagmulta na rin ng $50,000 si Morey na dating general manager ng Houston Rockets, dahil naman sa kaniyang tweet tungkol kay James Harden bago ito nalipat sa koponan ng Brooklyn Nets.
@Agence France – Presse