PHILHEALTH ,hinimok na palawakin ang health package sa mga pasyente na may mental problem
Inirekomenda ni Senador Christoper Bong Go sa Philippine health insurance corporation ang pagbuo ng mental health package ngayong matindi na ang epekto ng pandemya.
Kasunod ito ng pahayag ng mga eksperto na tumaas ng anim na beses ang nagkakaroon ng depresyon at mental health problem dahil sa COVID-19 pandemic.
Nalimitahan kasi ang paglabas ng mga tao at marami ang nawalan ng kabuhayan mula nang manalasa ang pandemya.
Sinabi ni Go na Chairman ng Senate Committee on health na dapat palawakin ng Philhealth ang tulong para sa mga may problema sa mental at behavioural condition.
Kasama na rito ang consultation at iba pang out patient services.
Sa kasalukuyan kasi aniyang sitwasyon marami ang hindi tinatanggap sa mga ospital dahil sa napakaraming requirements at malaking bayarin.
Hinikayat rin nito ang Department of health na gawing accessible ang presyo ng mga gamot para sa mental health.
Mahalaga na maibigay ang ganitong serbisyo lalo na sa malalayong mga probinsya.
Kasabay nito hinimok ng Senador ang mga ahensya ng pamahalaan na gumawa ng re integration strategy para tulungan ang publiko na makabangon sa epekto ng pandemya.
Meanne Corvera