Philhealth officials, sinuspinde ng Ombudsman
Pinatawan na ng anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman ang labintatlong mga dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Phillhealth).
Kabilang sa mga sinuspinde sina Philhealth Management Services Sector Senior Vice President Dennis Mas; Corporate Affairs Group Vice President Shirley Domingo; Senior Vice President Rodolfo del Rosario, Jr.; Audit Department Acting Senior Manager Operations Leila Tuazon; Quality Assurance Group Vice President Clementine Bautista.
Kasama rin sa suspension order ang mga dating PhilHealth officials na sina Roy Ferrer; Celestina Ma. Jude dela Serna; Raul Dominic Badilla; Israel Paragas; Angelito Grande; Lawrence Mijares; Eugenio Donatos II; at Ruben Basa.
Sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez na may kaugnayan ang suspensyon sa mga kasong nakabinbin sa kanilang tanggapan bago pa man mag imbestiga ang kamara at senado patungkol sa mga alegasyon ng anomalya sa Philhealth.
Ulat ni Meanne Corvera