PhilHealth president Emmanuel Ledesma, pinagalitan ng mga senador
Pinagalitan ng mga senador si PhilHealth president Emmanuel Ledesma, dahil sa maling pagsagot sa mga mambabatas sa budget hearing ng Senado.
Sa budget deliberations kagabi sa plenaryo, ay pinayagan na ang pinuno ng ahensiya ang direktang sumagot sa tanong ng mga senador.
Dito na nagisa si Ledesma, partikular na ang isyu ng paglilipat ng savings ng PhilHealth, dahil maraming mahihirap na pasyente ang hindi makabayad sa mga ospital.
Sinabi ni Senador JV Ejercito, na batay sa itinatakda ng Universal Health Care Law, dapat unahin ang paggamot sa indigent patients.
Sagot ni Ledesma, mali na siya ang sisihin sa malaking cash reserve na naipon ng PhilHealth na hindi naman nagustuhan ng mga senador.
Ayon kay Ledesma, “Parang mali ata na i-pin ang blame on me, kasi again itong pera na ito filing up through the years, hindi naman pagkapasok ko. It’s wrong to pin the blame on me.”
Sagot naman ni Ejercito, “Sino ituturo namin. Diba dapat leadership ito?”
Ayon kay Sensdor Francis Tolentino, “May I remind our resource person, especially since we have suspended the rules, to temper the responses with an iota of humility and perhaps answer correctly the questions being propounded by a member of this chamber, so that they can have a semblance of sincere discussions here.”
Dahil sa pangyayari ay na-defer ang budget ng PhilHealth.
Meanne Corvera