Philippine at Indonesian army, magsasagawa ng malaking territorial defense exercise sa Maguindanao
Pinaghahandaan na ng 6th Infantry Division at Indonesian Army ang mga aktibidad kaugnay ng isasagawang joint military exercise sa Camp Siongco sa Barangay Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, probinsya ng Maguindanao del norte sa central Mindanao.
Sinabi ni Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th ID, may inisyal na silang pakikipag-usap nitong nakalipas na linggo sa grupo ni Col. Yoki Malinton Kurniafari, brigade commander ng 11th Infantry Brigade ng Indonesian Army, kaugnay ng Training Activity (TA) Phil-Indo Strike 2024.
Ito ay gaganapin sa Camp Siongco, dahil ito ang pinakalamaking kampo ng Philippine Army sa Mindano, at lalahukan ito ng mga kasapi ng 6th ID units at mga sundalong Indonesians.
Ayon kay Rillera, ang TA Phil-Indo Strike 2024 ay nakatuon sa territorial defense operations at iba pang mahahalagang army security functions.
Ang Indonesia, na miyembro ng Organization of Islamic Cooperation o OIC, na binubuo ng mahigit 50 Muslim countries, kabilang ang petroleum-exporting states sa Middle East at North Africa, ay malaki ang naitulong sa pagbalangkas ng hiwalay na peace agreements ng Malacañang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
Bilang resulta ng naturang mga kasunduang pangkapayapaan, ang mga opisyal ng MILF at MNLF ay magkasama na sa pamamahala ng mga peace and development program ng regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.