Philippine Chamber of Commerce and Industry tiniyak ang suporta sa incoming Marcos Admin
Makakaasa ng buong suporta at kooperasyon mula sa business community si President-elect Bongbong Marcos Jr.
Ito ang tiniyak ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ilang araw bago maupo ang bagong administrasyon.
Ayon kay PCCI President George Barcelon, batid nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsuporta kay Marcos para mapabilis ang recovery at growth momentum ng bansa.
Iminungkahi ni Barcelon sa susunod na gobyerno na pagtuunan nito ng pansin ang pag-develop sa ilang key sectors na may malaking beneficial impact sa ekonomiya partikular sa employment.
Ang mga ito ay agrikultura, manufacturing, turismo, at imprastraktura.
Welcome din sa business group ang desisyon ni BBM na personal na pamunuan ang Department of Agriculture.
Sinabi ng PCCI na nagpapakita ito ng committment at leadership ni Marcos upang bigyang pangunahing prayoridad ang sektor ng agrikultura.
Moira Encina