Philippine Coast Guard naka-alerto na sa posibleng epekto ng Bagyong Carina sa Hilagang Luzon
Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahandaan nito sa posibleng epekto ng Bagyong Carina sa Hilagang Luzon.
Sa ulat ng Coast Guard District North Western Luzon, sinabi na naka-high alert at nakadeploy na ang mga tauhan at mga kagamitan nito para sa evacuation at rescue efforts kung kinakailangan.
Photo: PCG FB
Kabilang sa mga inihanda ang search and rescue gear, mga sasakyan at rescue boats.
Lahat din anila ng first aid at rescue equipment, at radio communication devices ay gumagana at handang gamitin sa oras ng emergencies.
Photo: PCG FB
Sinabi rin ng PCG Headquarters na naka-alerto rin ang lahat ng mga tauhan nito sa lahat ng mga pantalan para rumesponde sa anumang insidente bunsod ng sama ng panahon.
Nanawagan naman ang PCG sa mga lokal na mangingisda at mga residente sa mga apektado at binabahang lugar na mag-ingat.
Moira Encina-Cruz