Philippine Economic Zone Authority (PEZA) nakapagtala ng mahigit P12-B investments sa unang dalawang buwan ng 2024
Aabot sa PhP 12.096 billion investments ang naitala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa unang dalawang buwan ng 2024.
Ayon sa PEZA, mas mataas ito ng 18.66% kumpara sa parehong panahon noong 2023.
Target ng PEZA na makamit ang PhP 250 bilyong investments ngayong taon.
Sinabi ng PEZA na noong Pebrero 16 ay inaprubahan ng PEZA Board ang 28 bago at expansion projects.
Inaasahan na magbubunga ito ng mahigit US$661 million na exports at 3,580 direct employment.
Moira Encina
Please follow and like us: