Philsys-Landbank partnership para sa financial inclusion, suportado ng LGUs
Buong-buo ang suportang ibinigay ng Local government units (LGUs) sa Philippine Identification System (PhilSys), dahil pinapayagan nito ang marginalized registrants na magbukas ng kanilang bank accounts kahit walang initial deposit.
Kamakailan ay nag-organisa ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng isang webinar, na dinaluhan ng 300 LGU representatives at iba pang PhilSys stakeholders, kung saan tinalakay ang financial inclusion.
Nakipag-partner ang PSA sa Land Bank of the Philippines (LandBank), para payagan ang unbanked PhilSys registrants na magkaroon ng sarili nilang bank accounts.
Tinatayang may 1,443 PhilSys registration centers sa buong bansa, na mayroong 181 sa Luzon at 303 sites na co-located sa LandBank.
Sa ilalim ng PhilSys co-location strategy kasama ang Landbank, ang registrants ay maaaring magbukas ng kanilang bank accounts matapos makumpleto ang Step 2 biometrics registration process.
Sa isinagawang virtual event noong Pebrero 10, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Director for Financial Inclusion, Ellen Joyce Suficiencia, na ang financial inclusion ay hindi nagtatapos sa transaction account.
Sa halip, ang mga miyembro ng “poor and vulnerable sector” ay entitled sa malawak na financial services.
Sa pamamagitan ng memorandum noong Oktubre 2019, ang BSP ay responsable para sa produksyon ng 116 milyong blank Philippine Identification (PhilID) cards na may security features para sa tatlong taon.
Upang maging ganap na batas, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 2018, ang Republic Act 11055, o Philippine Identification System Act, na naglalayong itatag ang single national ID para sa lahat ng mga Filipino at resident aliens.