PHLPost ‘business as usual’ sa kabila ng sunog sa Manila Post Office
Tuloy ang normal na operasyon ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa kabila ng pagkasunog ng Manila Central Post Office.
Sa isang statement, sinabi ni Postmaster General Luis Carlos na ikinalungkot nila ang sunog sa Manila Central Post Office na nagsimula bago mag-hatinggabi nitong Linggo, May 21.
Itinuturing aniyang heritage site ang Post Office at madalas na binibisita ng publiko.
“We express grief and saddened on this unfortunate incident. We didn’t expect this to happen but we assured the public that all PHLPost branches are going business as usual,” pagtiyak pa ni Carlos.
“PHLPost will continue with its regular operations.”
“There is nearby post office in Manila and other parts in Metro Manila where the public can send their mails and packages,” dagdag pa ni Carlos.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na aniya ang PHLPost sa Bureau of Fire Protection (BFP) para alamin ang posibleng sanhi ng sunog.
Pansamantala namang maghahanap ng temporary office ang Manila Central Post Office at ang main office nito.
Ang mga letter carriers naman ay ililipat mula sa katabing post office.
Bagama’t malapit nang mag-hatinggabi nagsimula ang sunog, tiniyak naman ng PHLPost na walang nai-ulat na casualties.
Weng dela Fuente