Phreatomagmatic eruption, Naitala sa Bulkang Taal kaninang umaga
Muling nakapagtala ng phreatomagmatic burst sa main crater ng Bulkang Taal kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang mahinang pagsabog alas-10:39 ng umaga.
Sinabi ng PHIVOLCS, ang phreatomagmatic eruption ay sanhi ng interaction ng magma at tubig at iba’t-ibang explosive events.
Photo Courtesy : Ghadz Rodelas EBC correspondent
Sabado ng umaga nang unang makapagtala ng mahihinang pagsabog sa bulkan at naulit noong linggo ng umaga.
Patuloy naman ang paalala ng ahensya na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal volcano island at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, gayundin ang pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal.
Bawal rin ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan ito ay dahil sa mga sumusunod biglaang malakas na pagsabog, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, pag-ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.