Pilipinas at Amerika, may kasunduan na para sa anti-Covid-19 vaccine ng Pfizer
Tiyak na makakakuha ang Pilipinas ng bakuna laban sa COVID 19 na gawa ng Pfizer.
Ito ang inhayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque. Sinabi ni Roque na mayroong ng kasunduan ang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs o DFA at US State Department kaugnay ng pagbili ng anti Covid- 19 vaccine ng Pfizer.
Ayon kay Roque, kahit maupo na si US President elect Joe Biden ay walang problema dahil mananatiling binding o balido ang purchased agreement ng Pilipinas at US sa bakuna ng Pfizer dahil ang kasunduan ay isang government to government.
Niliwanag ni Roque na hindi magpapahuli ang Pilipinas sa pagbili ng anti COVID 19 vaccine dahil ito ang kailangan para tuluyan ng masugpo ang pandemya na sumira ng buhay at kabuhayan ng ibat-ibang bansa sa mundo.
Iginiit ni Roque plantsado na rin ang vaccination master plan ng pamahalaan sa pamamagitan ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez.
Vic Somintac