Pilipinas at Israel, pinag-uusapan ang tungkol sa direct flights at recognition ng vaxx certificates
Pinag-uusapan na ng Pilipinas at Israel ang paglulunsad ng direct flights para mapasigla ang two-way tourism para sa dalawang bansa, at maging ang mutual recognition ng vaccination certificates para sa mga biyahero.
Nakipagpulong si Israel Tourism Minister Yoel Razvozov kay Philippine Ambassador to Israel Macairog Alberto sa Ministry of Tourism sa Jerusalem, kung saan pinag-usapan nila ang malaking potensiyal ng turismo sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Razvozov . . . “It was a pleasure meeting the Ambassador of the Philippines to Israel H.E. Alberto. I raised the importance of launching direct flights and mutual recognition of vaccination certificates for our travelers.”
Sinabi ng Israel Ministry of Tourism, na nasa 34,000 mga Pinoy ang bumisita sa Israel noong 2019.
Ayon naman sa Department of Tourism, 22,851 Israelis ang bumisita sa Pilipinas.
Noong Enero 9 ay muli nang binuksan ng Israel ang kanilang borders para sa foreign tourists na fully vaccinated na, at ang Philippine passport holders ay visa-free sa Israel sa loob ng 90 araw.