Pilipinas at Jordan, palalakasin pa ang koordinasyon sa larangan ng depensa at agrikultura

Nagharap ang mga kinatawan ng foreign  affairs ng Pilipinas at Jordan para sa unang political consultations ng dalawang bansa na isinagawa sa Jordan Ministry of Foreign Affairs and Expatriates.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pangunahin sa tinalakay sa high-level discussions ay ang pagpapaigting sa kooperasyon ng Jordan at Pilipinas.

Partikular sa nais na palakasin ng dalawang bansa ay ang pagtutulungan sa mga larangan ng agrikultura, depensa, kalakalan, consular,  labor, at edukasyon.

Kabilang din sa pinag-usapan ay ang ilang regional at international issues gaya ng mga hakbangin ng Jordan sa paghimok sa international community na tugunan ang humanitarian crisis sa Gaza Strip.

Ang delegasyon ng Pilipinas ay pinangunahan ni DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro habang ang Jordanian delegation ay pinangunahan ni Secretary General for Diplomatic and Expatriates Affairs Majed Thalji Al-Qatarneh.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *