Pilipinas at Poland paiigtingin ang defense cooperation
Tinalakay ng Pilipinas at Poland ang mga inisyatiba sa pagpapaigting ng defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ay sa naging pagpupulong ng Philippine Embassy in Warsaw at ng Polish Ministry of National Defense sa harap ng ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations ng Poland at Pilipinas sa September 2023.
Pinag-usapan nina Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz at Poland Deputy Minister of National Defense, State Secretary Mr. Marcin Ociepa ang mga hakbangin upang isulong ang mas matibay na ugnayan ng dalawang bansa.
Nirebyu rin ng dalawang panig ang significant progress na nakamit ng defense relations ng Poland at Pilipinas sa mga nagdaang taon.
Tinalakay din ang mga ongoing na aktibidad para mapalawig at mapalakas ang kooperasyon para sa mutual benefit at shared values and interests ng Poland at Pilipinas.
Napagkasunduan ng Embahada ng Pilipinas sa Warsaw at Polish Ministry of National Defense na ipagpapatuloy ang ugnayan at koordinasyon para makamit ang mga nasabing hangarin.
Moira Encina