Pilipinas at Poland palalakasin ang international legal cooperation

Courtesy: DOJ

Nagsagawa ng ikalawang round ng negosasyon ang Pilipinas at Poland para sa panukalang kasunduan para sa transfer of sentenced persons.

Bukos dito, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na inumpisahan na rin ng dalawang bansa ang inisyal na diskusyon sa panukalang kasunduan para sa mutual legal assistance in criminal matters.

Courtesy: DOJ

Ayon sa DOJ, sa ilalim ng Transfer of Sentenced Persons ay papayagan ang mamamayan na sinentensyahan sa krimen sa ibang bansa na mapagsilbihan ang nalalabi nitong hatol sa sarili nitong bansa.

Ang Mutual Legal Assistance in Criminal Matters naman ay ang proseso kung saan, ang estado na nagsasagawa ng imbestigasyon o prosekusyon ng kriminal na kaso ay humiling ng legal assistance mula sa ibang estado gaya ng pagkalap ng ebidensya at pagkuha ng mga testimonya.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *