Pilipinas at Republic of Korea, lumagda sa isang free trade agreement
Lumagda ang Pilipinas at Republic of Korea ng isang free trade agreement.
Sa kaniyang pagsasalita sa virtual ASEAN-Republic of Korea summit, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaki ang maitutulong ng kasunduan lalo na sa panahong ito ng pandemya.
Una na ring sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI), na ang kasunduan ay magbibigay-daan para sa eksportasyon ng mga produkto ng Pilipinas sa mga bansa sa silangang Asya.
Binanggit din ng pangulo sa kaniyang talumpati, na mahalagang matiyak ang kapayapaan at katatagan sa Korean peninsula.
Please follow and like us: