Pilipinas at Tsina magkakaroon ng paguusap at konsultasyon ukol sa South China Sea
Isasagawa sa bansa sa Marso 23 hanggang Marso 24 ang 23rd Philippines-China Foreign Ministry Consultations (FMC) at 7th Bilateral Consultations Mechanism (BCM) on the South China Sea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga nasabing pagpupulong ay bahagi ng implementasyon ng mga kinalabasan ng state visit sa Tsina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Enero.
Ilan sa mga paksa na matatalakay sa dalawang mekanismo ay ang ukol sa maritime issues, ekonomiya, seguridad at regional matters.
Sinabi ng DFA na nirirebyu ng FMC ang pangkalahatang relasyon at lahat ng aspeto ng kooperasyon.
Sakop ng BCM ang maritime issues gaya ng developments sa West Philippine Sea at mga usapin sa mga possible maritime cooperation at confidence-building.
Si DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma.Theresa Lazaro ang mangunguna sa delegasyon ng Pilipinas habang ang Tsina ay pangungunahan ni Vice Foreign Minister Sun Weidong.
Moira Encina