Pilipinas at Vietnam lalagda sa isang kasunduan para sa Maritime Cooperation sa WPS
Para mas mapalakas ang maritime cooperation sa West Philippine Sea, nakatakdang lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas at Vietnam.
Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos kay outgoing Vietnam Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng maritime cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Naniniwala si PBBM na sa pamamagitan ng “solid agreement” mas magiging madali na harapin ang “common challenges” sa usapin ng territorial disputes.
Sa nasabing farewell call, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Chung para sa kaniyang ipinakitang kasipagan sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Ipinaabot naman ni Chung ang pasasalamat ni Vietnam President Vo Van Thuong kay PBBM at sa gobyerno ng Pilipinas.
Madelyn Moratillo