Pilipinas committed sa maagang konklusyon ng epektibong Code of Conduct (COC) sa South China Sea– DFA
Isinasagawa sa bansa ang pagpupulong at negosasyon para sa binubuong Code of Conduct (COC) sa South China Sea na magtatagal hanggang Agosto 24.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza, ito ang ikatlong round ng COC negotiations ngayong taon.
Ang unang dalawang negosasyon ay isinagawa sa Jakarta noong Marso at sa Vietnam noong Mayo.
Sinabi ni Daza na nakikipag-negosasyon ang Pilipinas sa mga bansang miyembro ng ASEAN at Tsina para sa bubuuing COC upang maiwasan ang insidente gaya sa Ayungin Shoal.
Matatandaan na iligal na hinarang at binomba ng water cannon ng China Coast Guard at Chinese militia vessels ang mga barko ng Pilipinas na magdadala ng suplay sa BRP Sierra Madre noong Agosto 5.
Tiniyak ni Daza ang committment ng Pilipinas sa maagang konklusyon ng epektibo at substantive na COC.
Umaasa ang DFA na ang lahat ng kalahok sa negosasyon ay may good faith at tumulong upang magkaroon ng maayos na kondisyon sa pag-uusap.
Moira Encina