Pilipinas dapat paghandaan ang panibagong COVID-19 surge sa susunod na dalawang buwan – WHO
Dapat paghandaan ng Pilipinas ang posibilidad na magkaroon ng panibagong surge ng COVID-19 sa susunod na dalawang buwan, laluna pagkatapos ng halalan sa Mayo a-9.
Ayon ito kay acting World Health Organization (WHO) representattive to the Philippines, Dr. Rajendra Yadav makaraang makitaan ng bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang bansa.
Sinabi ni Yadav, na bilang paghahanda para maiwasan ang posibilidad na muling tumaas ang mga kaso ng COVID-19, dapat pa ring magsuot ng facemask at magpa-booster shot na ang lahat.
Binigyang-diin pa ng WHO official ang importansiya ng tuloy-tuloy na calibration ng COVID-19 response, habang inirekomenda rin nila ang house-to-house vaccination, para sa mga hindi pa nababakunahan.