Pilipinas handang tugunin ang 10-dash line ng China – PBMM
Tutugon ang Pilipinas sa inilabas na bagong “standard map” ng China na nanghihimasok na rin sa teritoryo ng bansa sa South China Sea.
Sa isang chance interview, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi nababago ang pagtugon ng PIlipinas sa usapin ng teritoryo sa South China Sea, kahit pa patuloy ang mga agresibong hakbang ng ilang bansa sa pagmama-ari sa resource-rich territory.
“It is other countries around us that have changed their approach. We have received the news that the 9-dash line have been extended to the 10-dash line,” pahayag ng Pangulo sa mga mamamahayag.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na anomang tugon na gagawin ng hakbang ay hindi niya maaaring i-detalye sa publiko.
“These are the, we have to respond to these and we will but again these are operational details I prefer not to talk about,” dagdag ng Pangulo.
Dagdag pa ng Pangulo, inaasahan din niya ang suporta ng international community sa Pilipinas kaugnay ng usapin dahil nanatiling tapat ang bansa sa rules-based international law, lalo na sa UNCLOS, United Nations Convention on the Law of the Sea
Mahalaga aniya na manatiling consistent ang bansa sa istratehiya nito.
“I think, it puts us in very solid ground in terms of our claims for territorial sovereignty, for maritime territory.”
“This has been validated and supported by many, many countries around the world. We should strengthen that and I believe that again is a very big help to the Philippines in continuing to defend our maritime borders,” dagdag pa ng Pangulo.
Noong 2016, pinawalang-bisa ng Permanent Court of Arbitration ang nine-dash line ng China, ngunit hindi ito kinikilala ng Beijing.
Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea sa kabila ng ruling na wala itong basehan at karapatan.
Bukod sa PIlipinas at China, nag-a-angkin din sa bahagi ng teritoryo ang Malaysia, Vietnam at Brunei.
Weng dela Fuente