Pilipinas hangad na makakuha ng puwesto sa UN Security Council
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bansa na miyembro ng United Nations o UN na suportahan ang pagnanais ng Pilipinas na makakuha ng pwesto sa UN Security Council .
Sinabi ng Pangulo na ang karanasan ng Pilipinas sa pagtatamo ng kapayapaan at pagbuo ng paraan sa pagkakaroon ng kooperasyon ay makatutulong ng malaki sa trabaho ng UNSC.
Kaugnay nito, umapela si Pangulong Marcos sa lahat ng bansa na miyembro ng UN na suportahan ang Pilipinas sa security council na manungkulan sa taong 2027 hanggang 2028.
Please follow and like us: