Pilipinas, hindi kukulangin ng mga Healthworker matapos alisin ang deployment ban-Malakanyang
Kumpiyansa ang Malakanyang na hindi kukulangin ang bansa ng mga Health personnel sa kabila ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte payagan na ang mga health workers na makapagtrabaho sa abroad. Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pinag-aralang mabuti ng pamahalaan ang sitwasyon bago nagdesisyun ang Pangulo na alisin na ang deployment ban sa mga health workers dahil sa Pandemya ng Covid-19. Ayon kay Roque hanggang 5,000 lamang ang qouta na papayagang makalabas ng bansa para magtrabaho bilang mga health workers. Inihayag ni Roque sapat parin ang bilang ng mga health workers na tumututok sa mga health facilities ng bansa sa gitna ng pagharap sa mga kaso ng Covid- 19. Niliwanag ni Roque sa susunod na taon ay makakaluwag narin ang mga health workers sa ibat-ibang hospital dahil magiging available na ang bakuna laban sa Covid-19. Vic Somintac
Please follow and like us: