Pilipinas, hindi mauubusan ng medical personnel dahil sa exodus ng mga Pinoy nurse patungong abroad
Naniniwala ang Malakanyang na may pamalit sa mga nurses na pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kinontrol na ng pamahalaan ang paglabas sa bansa ng mga Pinoy nurse sa pamamagitan ng paglalagay ng ceiling dahil sa Pandemya ng COVID-19.
Ayon kay Roque hanggang 6,500 lamang kada taon na Pinoy nurses ang pinapayagan na makalabas ng bansa para magtrabaho sa abroad.
Inihayag ni Roque napapalitan naman agad ang mga nurses na nag-resigned sa kanilang hospital duty para mag-abroad dahil taun-taon ay maraming pumapasa sa nursing board examinations.
Magugunitang nagpahayag ng pagkabahala ang Private Hospital Association of the Philippines na kulang na ang kanilang medical personnel sa kalagitnaan ng Pandemya ng COVID-19 dahil maraming nurses ang nagre-resign para magtrabaho sa abroad kapalit ng malaking sahod kumpara sa kanilang suweldo sa Pilipinas.
Vic Somintac