Pilipinas, hindi pa handa sa total ban sa alak at sigarilyo- Malakanyang

Aminado ang Malakanyang na hindi pa handa ang Pilipinas para tuluyang magpatupad ng total ban sa mga alak at sigarilyo.

Ito Ang inihayag  ng economic cluster ni Pangulong Duterte sa economic briefing sa Malakanyang kasunod ng panukalang pagtataas pa ng sin taxes o buwis ng mga tobacco at liquor products na gagamitin sa health care system sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo kung Department of Health o DOH lamang ang masusunod pabor silang tuluyang ipagbawal ang produksyon at pagbebenta ng mga alak at sigarilyo.

Ayon kay Domingo may mga trade laws sa ngayon na balakid sa pagpapatupad ng total tobacco at liquor ban kaya win-win solution ang pagtataas na lamang sa buwis ng mga nasabing produkto.

Inihayag ng DOH sa pamamagitan  ng pagtataas ng buwis ng alak at sigarilyo madi-discourage ang publiko lalo ang mga kabataan sa pagbili at pagkonsumo ng alak at sigarilyo habang tumataas din ang nakokolektang buwis para sa mga programa ng gobyerno lalo na ang pagpopondo sa  Universal health care law.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *