Pilipinas hinimok ang New Zealand firms na mamuhunan sa bansa
Inilatag ng gobyerno ng Pilipinas sa New Zealand companies ang mga investment opportunity sa bansa kasabay ng paghikayat sa mga ito na palawakin ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas.
Sa business forum na dinaluhan ng 100 Kiwi firms, sinabi ni Philippine Ambassador to New Zealand Kira Azucena na ang pagbisita noong Abril sa Pilipinas ni New Zealand Prime Minister Christopher Luxon ay hudyat ng bagong yugto ng ugnayan ng dalawang bansa at pagpapaigting sa economic ties nito.
Inihayag naman ni Trade and Industry Undersecretary Allan Gepty ang 5.6% GDP ng Pilipinas noong 2023 at ang mataas na growth projections sa bansa.
Aniya, nangangahulugan ito na maraming economic activities sa Pilipinas kaya isa ito gprofitable trade partner at isang viable destination para sa mga pamumuhunan.
Tinalakay at ipinagmalaki din ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang business opportunities para sa New Zealand companies sa world-class at environment-friendly economic and freeport zones sa bansa.
Moira Encina