Pilipinas magbibigay ng oral statement sa pagdinig ng International Tribunal for the Law of The Sea
Lalahok ang Pilipinas sa advisory proceedings ng International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) sa Hamburg, Germany sa Martes, September 19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magbibigay ang Pilipinas ng advisory opinion ukol sa mga obligasyon ng state parties sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) para maprotektahan at mabawasan ang polusyon sa marine environment.
Ang statement ng Pilipinas ay ihahayag ng mga opisyal mula sa DFA at Office of the Solicitor General sa pangunguna ni Philippine Permanent Mission to the United Nations in Geneva Ambassador Carlos Sorreta.
Tatagal ng isang oras ang oral statement ng Pilipinas.
Naka-iskedyul ang oral statement ng Pilipinas sa pagitan ng 4pm hanggang 7pm oras sa Pilipinas.
Bukod sa Pilipinas ay kasali rin sa hearing ang 34 state parties at tatlong intergovernmental organizations.
Moira Encina