Pilipinas may magagawa para igiit ang karapatan sa West philippine sea
May magagawa pa raw ang pilipinas para igiit ang karapatan sa West Philippine Sea nang hindi kinakailamgang makipag giyera.
Sagot ito ni Senator Francis Pangilinan sa pahayag ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan lang ng pwersa mababawi ng pilipinas ang mga inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.
Inihalimbawa ni Pangilinan ang Vietnam at Indonesia na nanindigan sa kanilang karapatan sa exclusive economic zone na inaangkin rin ng china pero hindi naman aniya nauwi sa giyera.
Maari rin naman aniyang hingin ng pilipinas ang suporta ng united nations at asean countries at ito ay hindi maituturing na pagdedeklara ng gyera.
Dismayado ang Senador sa aniyay mahinang aksyon ng pilipinas dahilan kaya nabu bully ng China.
Kung tutuusin aniya mas may karapatan ang pilipinas kumpara sa indonesia at vietnam dahil may rulling na ang arbitral tribunal pero nakapagtatakang naipalalaban nila ang karapatan sa kanilang soberenya kumpara sa pilipinas.
Sana raw ay protektahan naman ng gobyerno kahit ang karapatan ng mga mangingisdang pinoy na apektado ng ng militarisasyon ng China.
Meanne Corvera