Pilipinas muling nagwagi bilang Asia’s Leading Dive Destination sa World Travel Awards
Sa ikalimang taon ang Pilipinas ang itinanghal bilang “Asia’s Leading Dive Destination” sa World Travel Awards Asia & Oceania Gala Ceremony.
Ayon sa Department of Tourism, ang gawad ay batay sa public votes at sa panel of travel professionals.
Sinabi naman ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang pagkapanalo muli ng Pilipinas ay nagpapatibay sa walang pantay na ganda at megabiodiversity ng bansa na minamahal ng divers at mga turista mula sa iba’t ibang bansa.
Patunay din aniya ito ng committment ng Pilipinas sa sustainable tourism development at pinalakas na kolaborasyon sa tourism stakeholders.
Kaugnay nito, inihayag ng DOT na iku-convene ang national dive stakeholder sa kauna-unahang Philippine Dive Dialogue sa Cebu sa susunod na linggo.
Plano naman ng kagawaran at ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na mag-install ng karagdagang hyperbaric chambers para mapagbuti pa ang scuba diving safety standards sa strategic dive locations sa 2024.
Moira Encina