Pilipinas nagbabala ng tsunami, paglikas ng mga nasa coastal areas ipinag-utos kasunod ng 7.5-magnitude na lindol sa Taiwan
Nagbabala ang Pilipinas ng “mataas na tsunami waves” at nanawagan para sa paglikas ng mga nasa coastal areas sa buong bansa, matapos ang 7.5-magnitude na lindol sa katabi nitong Taiwan.
Sa kanilang advisory ay sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na ang mga naninirahan sa coastal areas ng 23 lalawigan mula sa hilaga at kanluran ng bansa ay pinapayuhang agad na lumikas sa mas mataas na lugar o magtungo sa mga lugar na mas malayo sa mga baybayin.
Ayon pa sa PHIVOLCS, ang coastal areas sa nabanggit na mga lalawigan, hindi kasama ang Maynila na kabisera ng bansa, ay inaasahang makararanas ng mataas na tsunami waves base sa tsunami wave models.
Paalala pa ng ahensiya, dapat i-secure ng mga may-ari ng mga bangka na nasa daungan, estero o mababaw na tubig sa baybayin ng mga nabanggit na lalawigan, ang kanilang mga bangka at lumayo sa waterfront.