Pilipinas nagdonate ng US$10,000 sa Permanent Court of Arbitration
Pinagkalooban ng gobyerno ng Pilipinas ng US$10,000 na boluntaryong kontribusyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA).
Ang donasyon ay iprinisinta ni Philippine Ambassador to the Netherlands J. Eduardo Malaya kay PCA Secretary-General Marcin Czepelak sa headquarters ng PCA sa The Hague.
Ito ay bilang suporta sa pagdiriwang sa ika-125 anibersaryo ng organisasyon sa 2024.
Ayon kay Malaya, ang kontribusyon ng Pilipinas ay patunay ng malakas na suporta ng bansa sa mahalagang trabaho ng PCA.
Si Malaya ang Acting President ng PCA Administrative Council para sa termino na 2023 hanggang 2024.
Nagpasalamat naman ang PCA sa Pilipinas sa ibinigay nitong tulong.
Moira Encina