Pilipinas , nakatanggap ng seal of good housekeeping mula sa multilateral development banks sa mundo sa paggastos ng pondo ng anti – COVID vaccine
Binigyan ng seal of good housekeeping ng mga pangunahing multilateral development banks ng mundo ang Pilipinas sa usapin ng pagbili ng bansa ng bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na nangangahulugan ito na tama ang paggugol na ginagawa ng pamahalaan para sa pagbili ng mga bakuna na naglalayong tugunan ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Dominguez ang World Bank Group, Asian Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank ay pare parehong nagbigay ng financing arrangement at budgetary support sa COVID-19 vaccination program ng Pilipinas sa panahong bagsak ang koleksyon o kita ng bansa dahi sal ipinatupad na lockdown o community quarantine.
Inihayag ni Dominguez sa World Bank Group pa lamang, 22 loan agreements o pautang ang nilagdaan nito sa Pilipinas na nagkakahalaga ng 7.53 bilyong dolyar kung saan 15 sa mga kasunduang ito na nagkakahalaga ng 6.15 bilyong dolyar ay ginamit sa COVID-19 response program ng pamahalaan.
Vic Somintac