Pilipinas nanguna sa listahan ng mga bansang may pinakamalaking improvement sa 5G download speed
Ang Pilipinas ang nanguna sa listahan ng mga bansa na may pinakamalaking improvement sa download speed.
Sa 5G Experience-November 2021 Opensignal report, ang Pilipinas ay may average 5G download speeds na 9.8 beses na mas mabilis sa 4G.
Naungusan ng Pilipinas ang Taiwan na dating nangunguna sa 5G vs 4G Download Speed improvement.
Una rin sa listahan ang Pilipinas sa chart para sa mobile video streaming kung saan nakakuha ito ng 5G Video Experience score na 34%.
Nakasaad pa sa report na kung nananatiling nasa rollout phase pa ang 5G sa karamihan ng global markets subalit nakapagtala na ang Pilipinas ng 5G download speed na 140.6Mbps.
Sa kasalukuyan, ang Globe ay mayroon umanong mahigit 1,800 5G locations sa major at highly populated areas sa buong bansa.
Malapit na rin umanong magkaroon ng 5G sa Zamboanga at marami pang 5G sites ang madadagdag.
Ang PLDT naman ay nagdaragdag ng kanilang investments sa 5G para sa mas pinabuting customer experience at mai-deliver ang cutting-edge services ngayong taon.
Umaasa naman ang PLDT at Smart na mapalawak ang kanilang fiber network na ngayon ay nasa 395,000 kilometers sa buong bansa para masuportahan ang kanilang fiber-to-the-home, LTE at 5G services.
“As we complete the build-out of our 4G network so that our coverage will be as close as possible to 100%, we are building out our 5G network as well. 5G will bring speed and capacity, not only to the individual users on the wireless platform, but also to the home.” PLDT Chairman and CEO Manuel V. Pangilinan
Ayon sa Opensignal, sa susunod na taon inaasagang mas magiging mahalagang parte ng buhay ang 5G lalo na kung magpapatuloy pa ang Covid-19 pandemic.
Madelyn Moratillo