Pilipinas, nangunguna na sa pagiging hotspot sa COVID-19 sa Southeast Asia
Naungusan na ng Pilipinas ang Indonesia sa pagiging hotspot sa COVID-19 sa Southeast Asia.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ( DOH ) kahapon ng 3,561 mga bagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, pumalo na sa 119,460 ang kaso ng Coronavirus sa bansa at ito na ang pang-walong magkakasunod na araw na nasa mahigit 3,000 kaso ang nadagdag.
Ang indonesia naman ay nakapagtala kahapon ng 1,882 bagong mga kaso kaya nasa 118,753 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 doon.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamataas na kaso na naitala sa 2,041.
Sumunod ang Laguna – 222; Cebu-221; Cavite-100 at Rizal-81.
Gayunpaman, tumaas naman ang mga gumagaling sa sakit na nasa 66,837 matapos maragdag ang 569 mga pasyenteng nakarekober.
Nadagdagan din ang death toll na umabot na sa 2,150 dahil naman sa 28 bagong fatalities.