Pilipinas, nangunguna na sa pagiging hotspot sa COVID-19 sa Southeast Asia
Naungusan na ng Pilipinas ang datos ng COVID-19 cases ng Indonesia.
Dahil dito, ang Pilipinas na ang nangunguna sa mga bansa sa ASEAN sa dami ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Mayroon nang kabuuang 119,460 total confirmed cases ng COVID-19 sa bansa habang ang Indonesia naman ay mayroong 118,753 na kaso.
Nangunguna rin ang bansa sa dami ng aktibong kaso ng sakit at hanggang kahapon ay mayroong 50, 473 na aktibong kaso.
Ang Indonesia naman ay mayroong 37,587 na active cases.
Sa buong mundo, ang Pilipinas ay nasa pang-dalawampu’t-dalawang pwesto sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
Please follow and like us: