Pilipinas, nasa panganib na magkaroon muli ng Measles outbreak sa 2021
Marami nang pag-aaral na nagpapatunay na ang pagbabakuna ay isang epektibong paraan upang maiwasan ang paglaganap ng mga nakamamatay na sakit sa buong mundo.
Ayon sa pag-aaral ng Philippine Pediatric Society (PPS), bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna sa mga nakalipas na taon dahil sa takot bunga na rin ng maling impormasyon tungkol sa pagbabakuna lalu na ngayong may Covid-19 Pandemic.
Kaya patuloy ang kampanya ng PPS sa mga magulang na huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Sa isinagawang talakayan ng PPS sa pamamagitan ng paksang “Pressing concerns on Vaccination during the Covid Pandemic”, dito ay binigyang-diin ang kahalagahang mabakunahan ang mga bata.
Ayon kay Dra. Anna Lisa T. Ong, Member, Board of Trustees ng Philippine Pediatric Society, nanganganib na muling magkaroon ng measles outbreak pagsapit ng 2021.
Dra. Anna Lisa T. Ong:
“Makikita natin dito na kailangan na nating kumilos, hindi na natin aantayin na magkaroon pa ng outbreak. Hindi na nating gustong bumalik sa sitwasyon na nung 2018 pa lang ay nakikita natin yung pagtaas ng kaso. Panay ang encouragement ng DOH at ng Pediatrician, PPS in particular na pahalagahan ang pagbabakuna and yet umabot pa dun sa punto na nagkaroon ng outbreak bago pa nagkaroon ng action and compliance from the public. So ang gusto nating mangyari ngayon ay sana ngayong 2021 ay maiwasan na natin ang paparating na outbreak na ating halos inaasahan dahil malaki nga ang populasyon ng mga batang hindi nabigyan ng bakuna”.
Kaugnay nito, sinabi ni Ong na magkakaroon ng simultaneous measles at OPD vaccination sa ibat-ibang lugar sa bansa upang mabigyang proteksyon ang mga bata laban sa mga naturang sakit.
“So ito yung ating target this is what DOH has in store for October 26 to November 25, magkakaroon ng simultaneous measles and OPD vaccination so susulitin na natin total nandiyan na ang mga bata patak lang naman ng Polio. Bakit hindi natin sila bigyan na rin ng additional protection. The initial target will be Mindanao, CAR, Ilocos, Cagayan Valley, Mimaropa and Bicol and then sa susunod na taon itong February. Kung magkaroon pa ng mga outbreaks tulad ng measles at polio, mahirap ng sabihin na kakayanin pa ng ating health system ang panibagong problemang ito”.
Belle Surara