Pilipinas, patuloy na nakapagtatala ng mga bagong kaso ng COVID-19 variants
Patuloy pa ring nakapagtatala ng mga bagong kaso ng COVID-19 variants sa bansa.
Ayon sa Department of Health, sa pinakahuling sequencing may apat na Delta o mas kilala sa tawag na Indian variant, 13 na Alpha o UK variant, 21 na Beta o South African variant, at 1 Theta o P3 variant na nagmula naman sa Pilipinas ang natukoy ng Philippine Genome Center.
Sa 4 na bagong kaso ng Delta variant, tatlo ay Returning Overseas Filipinos mula sa MV Eastern Hope, isang barko na kasalukuyang nakadaong sa South Korea.
Matapos matukoy na may Pinoy crew ng barko ang nagpositibo sa COVID 19 ay agad itong pinauwi sa Pilipinas noong Hunyo 3.
Ang dalawa rito ay nakakumpleto na ng 10-day isolation at na-discharge na matapos nakarekober habang ang isa ay naka-admit pa sa isang ospital sa Metro Manila.
Ang ika-apat naman na kaso ay isang ROF rin mula sa Saudi Arabia na dumating sa bansa noong May 24.
Nakakumpleto na ito ng isolation at nakarekober na mula sa sakit noong Hunyo 10.
Sa ngayon ay sumasailalim siya sa home quarantine.
Sa ngayon, may 17 Delta variant cases na sa bansa.
Sa 14 bagong Alpha variant naman, 12 ang local cases h whether these are local or ROF habang bineberipika pa ang 2.
Nakarekober na ang 12 rito, pero nasawi naman ang dalawa.
Sa kabuuan, umabot na sa 1,085 ang Alpha variant cases sa bansa.
Sa 21 bagong Beta variant naman, 20 ang local cases habang bineberipikapa ang isa.
Ang 20 rito ay nakarekober na habang ang 1 ay active case pa.
Sa kabuuan may 1,267 kaso na ng Beta variant sa bansa.
Ang karagdagang Theta variant case naman ay bineberipikapa kung local o ROF.
Pero ito ay nakarekober na.
Nilinaw naman ng DOH na ang Theta variant ay hindi pa kabilang sa variant of concern (VOC).
Tiniyak naman ng DOH na may sapat na pondo para ipangbili ng mga kinakailangang reagents sa Genome sequencing kaya tuloy pa rin ang mahigpit na Biosurveillance sa bansa.
Madz Moratillo