Pilipinas todo bantay sa mga bansa sa Europa na may kaso ng Omicron variant ng COVID-19 ayon sa Malakanyang
Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ngayon ng Inter Agency Task Force o IATF sa mga bansang pinasok na ng omicron variant ng COVID-19 lalo na sa Europa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na batay sa pahayag ng mga health expert sa ibat ibang panig ng mundo ang Europe ang maituturing ngayong bagong epicenter ng COVID -19.
Ayon kay Nograles kung makikitang mayroong pagbilis sa pagtaas ng kaso ng omicron variant ng COVID-19 sa isang bansa agad na isasama ng IATF sa red list country bilang bahagi ng pinaigting na border control ng Pilipinas.
Inihayag ni Nograles kabilang sa criteria para ma-red list ang isang bansa ay ang pagtaas ng 2 week growth rate ng COVID – 19, tumataas ang Average Daily Attack Rate o ADAR.
Kabilang sa mga bansa sa Europa na may naitalang kaso ng omicron variant ng COVID – 19 ay ang Austria, Belgium, Denmark, Germany, Italy, Netherlands, Spain at United Kingdom.
Vic Somintac