Pilipinas uutang ng 2.46 trillion pesos para mapondohan ang 5.768 trillion pesos na 2024 National Budget ayon sa House Committee on Appropriations
Bagama’t naglaan ang gobyerno ng 1.748 trilyong piso na panghulog sa utang ng Pilipinas na umaabot na sa mahigit 14 na trilyong piso muling uutang ang pamahalaan ng 2.46 trillion pesos para pondohan ang 5.768 trillion pesos na 2024 National Budget.
Ito ang inihayag ni House Committee on Appropriations Chairman Congressman Elizaldy Go sa ginagawang plenary deliberations ng pambansang pondo.
Batay sa House bill 8980 o General Appropriations bill na nagkakahalaga ng 5.768 trillion pesos na tinatalakay sa plenaryo ng Kamara mahigit 3 trilyong piso lamang ang kayang pondohan ng gobyerno at ang mahigit 2 trilyong piso ay uutangin sa mga financial institution sa loob at labas ng bansa.
Ang 2024 National Budget ay gagamitin ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.,
para sa mga economic program ng pamahalaan upang makabangon ang bansa sa epekto ng pandemya ng COVID 19 at climate change.
Vic Somintac