Pilipinas wala pang kaso ng Monkeypox – DOH

1209160062

Inihayag ng Department of Health na wala kaso ng Monkeypox sa Pilipinas.

Una rito may mga napaulat ng kaso ng Monkeypox sa European countries, United States, Canada, at United Kingdom.

Ayon sa World Health organization, ang Monkeypox ay isang viral disease na mula sa hayop at karaniwang nakikita sa tropical rainforest areas ng Central at West Africa na nalilipat naman sa ibang rehiyon.

Kabilang sa sintomas nito ay lagnat, rash, at pamamaga ng lymph nodes na maaaring magdulot ng medical complications.

Naililipat ito sa tao sa pamamagitan ng sugat, body fluids at respiratory droplets kung magkaroon ng close contact sa tao o hayop na infected nito o sa contaminated na bagay.

Ayon sa DOH, hindi naman ito gaanong nakakahawa at hindi rin nagdudulot ng malalang sakit.

Mahalaga lang ang pagsunod sa Minimum public health standards para makaiwas rito.

Madelyn Villar Moratillo

Please follow and like us: