Pilipinas, walang pinapaborang brand ng Covid-19 vaccine- Sec. Galvez
HIndi lamang ang Beijing-based Pharmaceutical company na Sinovac ang kinakausap ng Gobyerno.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na sa katunayan ay may anim pang kumpanyang kinakausap ang pamahalaan para magsuplay ng bakuna sa bansa.
Ang mahalaga aniya ngayon ay makabili na ng gamot upang umusad na ang Vaccination program ng gobyerno at mapigilan na ang pagkalat ng virus.
Samantala, tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) sa sandaling aprubahan nila ang Emergency Use Authorization (EUA) ng iba pang Pharmaceutical companies, isasama nila sa isasapubliko kung gaano ito kabisa at mga posibleng side effects.
Sa ngayon, ang Pfizer na unang nabigyan ng EUA ay minamadali na aniya ang pagdadala ng bakuna sa bansa.
May commitment na rin umano ang Pfizer na maibigay at maging available ang bakuna sa mga low-income countries kabilang ang Pilipinas.
Meanne Corvera