Pilot face to face classes, pinayagan na ni PRRD

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng pilot face to face classes.

Ang anunsiyo ay ginawa ni Education Secretary Leonor Briones sa regular press briefing ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque.

Sinabi ni Briones na sa gagawing pagsisimula ng face to face classes ay lilimitahan lang muna ito sa may 100 paaralan kasama ang 20 pribadong ekuwelahan na may mababang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Ayon kay Briones maisasagawa lamang ang pilot face to face classes kung papasa sa guidelines at safety assessment ng DEPED ang area kung saan gagawin ang klase.

Inihayag ni Briones kailangang may pahintulot mula sa Local Government Unit at kailangan din ang written consent mula sa mga magulang ng mga estudayanteng lalahok sa face to face classess.

Niliwanag ni Briones magiging limitado ang bilang ng mga estudyante sa bawat klase at hindi magiging araw-araw ang face to face classes.

Sa Kindergarten ay 12 estudyante lamang ang lalahok sa face to face classes habang ang nasa Grade 1 to 10 ay kailangang nasa 16 lamang at ang mga nasa hanay naman ng technical o vocational at senior high school ay lilimitan sa 20 estudyante.

Inaasahang sisimulan ang pilot testing ng face to face classes dalawang buwan mula ngayon dahil isinasapinal pa ang curriculum na gagamitin.

Vic Somintac

Please follow and like us: