Pinagpapaliwanag ng isang senador ang NFA sa umano’y pag-angkat ng bigas sa ibang bansa
Pagpapaliwanagin ni senador Imee Marcos ang National Food Authority o NFA bakit hindi umano ginawa ang kanilang trabaho na bumili ng bigas sa mga lokal na magsasaka dahilan kaya umaangkat ang Pilipinas sa ibang bansa
Ayon kay Marcos, maraming pondo ang ahensya pero nakapagtatakang hindi bumili ng bigas sa mga magsasaka.
Mandato aniya ng NFA na mag-imbak ng sapat na suplay at dapat bumili sa mga local farmers bago ang July at August kung kailan walang ani ang mga local rice farmers.
“Nagtataka ako alam naman natin na may kakulangan tawag sa ilokano gawat July at August taghirap walang ani pero pagpasok ng setyembre alam na natin magsisimula na anihan October dagsa na bakit NFA hindi bumili bago ang July at August.” pahayag ni Senador Imee Marcos.
Duda ng senador, may gumagawa ng pekeng rice shortage.
“Pag pumunta ka sa NFA na bodega punong-puno budget ng NFA wala pa sa 30 percent ang nagastos ba’t hindi bumibili ng lokal bakit import ng import ang iniisip ang dami pang murang bigas na available.” dugtong pa aniya.
Tutol naman si Marcos sa rekomendasyon ng mga economic manager na ibaba muna ang taripa sa mga imported na bigas para hindi tamaan ang mga rice retailers.
Apila niya ngayon sa Pangulo magtalaga na ng permanenteng kalihim ng Department of Agriculture o DA para tutukan ang problema sa bigas at iba pang agricultural products
“Bongang-bongga akong tutol diyan unang una wala namang krisis sa bigas gawa gawa ng ganyan marami pa nagbebenta ng bigas sa Nueva Ecija, Isabela kahapon may nagtitinda sa South cost 25 pesos kada kilo ba’t tayo nagkakaganito may gumagawa ng eksena biglaan.” patuloy na pahayag pa ng mambabatas.
Meanne Corvera